Sa
aking unang pagtapak sa paaralang ito
Agad
kong naitanong “Kaya ko ba ito?”
Hindi
ko mawaring noo’y ako’y nasa unang baitang pa lamang
At
ngayo’y ako’y nandito na at masayang nag-aabang
Tunay
na kaibiga’y agad kong natagpuan
Ngunit
isang kahilingan ang laging nasa isipan
Sana
kahit anong mangyari’y ako’y hindi nila bibitawan
Sa
lahat ng pagsubok na aming madaanan
Habang
tumatagal ay aking nakikita
Mga
pagbabago sa aming pagsasama
Mga
ugaling hindi kayang itago
Lumalabas
at ngayo’y nakakasakit ng husto
Ayoko
mang aminin ngunit tama ang kanilang sinabi
Na
habang tayo’y nabubuhay pagbabago’y kapiling lagi
At
dahil dito’y unti-unting naiintindihan
Na
sa paglipas ng panahon, kaakibat nito ay bagong kapalaran
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento